MANILA, Philippines- Isiniwalat ng National Security Council (NSC) nitong Biyernes na ang pinakakalat na balitang nawawala at dinukot na dalawang environmentalists students, ay tumakas pala sa kilusan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Sa pulong-balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na idinaos sa National Press Club sa Maynila, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan E. Malaya na sina
Jhed Tamano at Jonila Castro ay ligtas na at nananatili sa isang safe house matapos sumuko sa mga pulis sa Bataan, sa takot na balikan ng mga dati nilang mga kasamahnsa kilusan.
“They left the movement. Hindi totoo na abducted itong dalawa. They left the movement on their free will,” ang pagsisiwalat ni Malaya.
“Second. They are not environmentalists, they were organizers ng kaliwa,” dagdag pa ni Malaya na pinatutukuyan ay mga front organizations ng mga komunistang-terorista gaya ng Kabataan at Karapatan.
Kinundina rin ni Malaya ang mga organisasyon ito na humuhubog sa mga kabataan upang maging mandirigma New People’s Army (NPA) sa mga kanayunan.
Simula pa noong September 1, 2023, ang dalawang babaeng estudyante, ayon kay Malaya, ay “nagpaplano nang tumakas sa kilusan, na kanilang isinaad nilaTamano at Castro sa kanilang sinumpaang salasay na ngayon ay nasa Department of Justice (DOJ) na.
Ibinunyag din ni Malaya na humingi sila ng DOJ assistance upang ihanda ang mga kaso laban sa mga tao at mga organisasyon nagpakalat ng maling balita sa dalawang mag-aaral.
Ang mga sinumpaang salaysay ng dalawa, aniya ay ginawa hindi sa harapng mga sundalo o kapulisan kung di kaharap ang mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) at mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR). .
“This is also a scam, may mga kumakalap ng pera (through g-cash or paymaya) calling for donations (to find the two girls),” ang sabi pa ni Malaya.
Hinamon niya ang mga ito ilabas ang halaga ng kanilang nakolektang pera o’ kaya ibigay na lamang sa dalawang mag-aaral at kanilang mga magulang na labis na naapektuhan sa mga nangyari.
Ipinangako pa ni Malaya na mananagot sa DoJ ang lahat ng indibidwal o grupo na nagsamantala sa mga kaganapan at nagpakalat ng maling impormasyon.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Police Captain Carlito Buco Jr., Chief Public Information Officer of the Bataan Provincial Police Office, na ang pangyayari ay nagdulot din ng takot sa iba pang mga magulang sa probinsiya na may mga oinag-aaral pang mga anak na tinatarget ng mga komunistang-terorista na mapasanib sa kanila at maging mga guerilya ng CPP-NPA-NDF.
“We call on the students, maging matalino (be smart) kayo at isaalang-alang (think of your love ones) ang mahal ninyo sa buhay,” sabi ng police official.
Ayon pa kay Buco, ang mga magulang nina Tamano at Castro ay malaya naman silang nabibisita at nakakausap habang may panganib pang sila ay balikan ng mga dating kasamahan sa kilusan.
“Their sworn statements would attest their experiences inside and now finally out from the communist movement gave them fear for their security,” ang pahayag pa ni Buco. RNT