Home METRO 2 nurse sugatan sa tandem sa Cavite

2 nurse sugatan sa tandem sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya sa riding in tandem na bumaril sa dalawang nurse habang papasok sa kanilang bahay sa Rosario, Cavite nitong Lunes, Enero 29.

Kapwa ginagamot ngayon sa Divine Grace Hospital ang biktimang si alyas ‘Joseph, 22 at alyas ‘Norbet’, 33, kapwa Nurse ng Rosario, Cavite dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Ayon sa ulat, galing sa trabaho ang dalawa at papasok na sa kanilang bahay sa A. Abadilla St., Brgy Sapa 1, Rosario, Cavite nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima dakong ala-1:15 ng madaling araw.

Tinamaan si Joseph sa kaliwang balikat habang sa kanyang bisig naman tinamaan si Norbet.

Kasalukuyang pinag-aaralan ang Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar para sa pagkakakilanlan sa mga suspek. Margie Bautista

Previous articleState visit ni PBBM sa Vietnam, magdadala ng mas maraming trabaho sa bansa – DTI
Next articleVP Sara malabo na sa pwesto sa gabinete ni PBBM – Colmenares