Home METRO 2 obrero pinagbabaril-patay sa Navotas

2 obrero pinagbabaril-patay sa Navotas

125
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang construction worker matapos pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang mga suspek sa Navotas City, kahapon ng umaga, Marso 31.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Marcy Reyes alyas “Take”, 48 ng Maringal St., Brgy. Tanza 1, at Jose Paulo Vicente alyas “Jaypee”, 36 ng 212 B. Enriquez, Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, bago naganap ang insidente ay magkakasamang sakay ang mga biktima at mga suspek sa bangka mula sa Badeo 6, Brgy. Tangos North patungong Maringal St., Brgy. Tanza.

Pagdating sa Maringal St., Brgy. Tanza 1, dakong alas-10:20 ng umaga ay magbabayad na sana ang mga biktima ng kanilang pamasahe nang bigla na lamang bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril si Reyes at Vicente.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Masipag Street habang narekober naman ng rumespondeng mga pulis sa crime scene ang isang cellphone, 11-pirasong basyo ng bala ng cal. 45 bail, 2 deformed slugs at isang small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril sa mga biktima. Boysan Buenaventura

Previous articleHelper kalaboso sa panggagahasa sa babaeng PWD sa Malabon
Next articleDapat may managot sa Basilan Ferry Fire – solon