Home METRO 2 obrero timbog sa pagbebenta ng P2.5M droga

2 obrero timbog sa pagbebenta ng P2.5M droga

MANILA, Philippines – Arestado ang 32-anyos na factory worker at 42-anyos na pintor sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay 175, Caloocan City.

Nasamsam sa dalawa 375 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P2.5 milyon.

Base sa pulisya na dati nang nakulong ang mga suspek dahil sa paggamit ng droga at nang makalabas ay nagbebenta na nito.

Nagbabagsak din umano ng droga ang mga suspek sa Bulacan.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawa. RNT

Previous articleNegosyante butas-bungo sa tingga
Next articleSofia, kumampi kina Kathryn at Sarah!