Home METRO 2 pang dioceses sa Cebu lilikhain

2 pang dioceses sa Cebu lilikhain

179
0

MANILA, Philippines – Lilikhain ang dalawang bagong dioceses sa Cebu upang mas mapagsilbihan ang espirituwal na pangangailangan ng mga mananampalataya.

Ito ay matapos aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hatiin ang archdiocese — lumikha ng Diocese of Carcar sa southern Cebu at Diocese of Danao sa hilagang Cebu.

Bumoto ang mga obispo pabor sa panukala ni Cebu Archbishop Jose Palma na lumikha ng mga bagong diyosesis sa 126th CBCP plenary assembly noong weekend.

“These new dioceses aim to enhance the pastoral and spiritual care of the faithful residing in the north and south of Cebu while keeping the Central Cebu as the seat of the archbishop and head of the Metropolitan Province of Cebu,” sabi ni CBCP president and Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Muling nahalal si David sa pwesto at nabigyan ng dalawa pang taong termino.

Ang pag-endorso ng CBCP ay isa sa mga kinakailangan na isumite sa Roma, na humihingi ng pag-apruba ng Santo Papa na payagan ang paghahati ng Archdiocese ng Cebu.

Plano ni David na iharap ang panukala sa Vatican sa Enero. Sinabi ni Palma na ang Cebu archdiocese ay tahanan ng pinakamalaking populasyon ng Katoliko sa bansa na may bilang na 5 milyon.

Bukod sa archbishop , ang archdiocese ay pinaglilingkuran nina Auxiliary Bishops Midyphil Billones at Ruben Labajo, at emeritus Bishops Emilio Bataclan at Antonio Ranola.

Ang mga prelates ay tinutulungan ng 600 pari — 400 sa kanila ay diocesan at 200 ay relihiyoso.

Samantala, ang CBCP ay suportado ang mungkahi na lumikha ng iba pang diocese sa Diocese of Butuan.

Ang diyosesis ay kasalukuyang binubuo ng mga lalawigan ng Agusan del Sur at Agusan del Norte.

Sa ilalim ang mungkahi, ang Diocese of Butuan ay bubuuin lamang ng Agusan del Norte habang ang Agusan del Sur kung saan ang upuan ng diyosesis ay sa bayan ng Prosperidad.

“The body also voted in favor of the proposal of the Bishop of Butuan Bishop Cosme Almedilla to establish a new diocese comprising mainly the whole province of Agusan del Sur, with its seat in Prosperidad, with the diocese of Butuan to comprise mainly Agusan del Norte,” sabi ni David

Ang estratehikong hakbang na ito ay naglalayong linangin ang espirituwal na paglago ng mga mananampalataya at pagbutihin ang administratibong kahusayan sa loob ng kani-kanilang diyosesis, kapag naaprubahan ng Roma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga mananaya bokya sa P98-M lotto jackpots
Next articleDepEd: Pagbalik sa dating school calendar aabutin ng 3-5 taon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here