Home NATIONWIDE 2 pang suspek sa ‘Luffy’ robberies, pababalikin na rin sa Japan

2 pang suspek sa ‘Luffy’ robberies, pababalikin na rin sa Japan

128
0
@“Œ‹ž“s]Žs‚ÌŒ»êŽü•ӂ𒲂ׂé‘{¸ˆõ‚灁‚Q‚T“ú

MANILA, Philippines- Kasunod ng pagpapauwi sa dalawang suspek sa “Luffy” robberies sa Japan, ang dalawa pang akusadong Japanese nationals — kabilang ang umano’y mastermind — ay na-clear na rin para sa deportasyon, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes.

Kinumpirma ni DOJ spokesperson Mico Clavano na ibinasura ng Pasay City court nitong Lunes ang mga kaso laban kina Yuki Watanabe at Tomonubu Saito. Iniulat ng Japanese media na si Watanabeang umanop’y ringleader ng robbery group.

Ang kumpirmasyon ay ilang sandali lamang matapos sumakay ng dalawa pang kasabwat na sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, sa eroplano na umalis sa Manila bandang alas-9:40 ng umaga para sa kanilang deportasyon.

Nahaharap ang apat sa kasong violence against women sa Pilipinas. Kinasuhan si Toshiya para sa estafa at light threats.

Nauna nang ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na para mapauwi sa Jpan, kailangang mabasura ng pending cases laban sa kanila. RNT/SA

Previous articleGM Laylo kampeon sa National Open chess
Next articleNBA scoring record gigibain na ni LeBron