MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang tauhan ng Philippine National Police sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City nitong Miyerkoles.
Nakumpiska ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng Muntinlupa City Police at National Capital Region Police Office ang 2 PNP ID, ang dalwang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 at marked money mula sa dalawang suspek.
Sinabi ni NCRPO Director Police BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang aktibong pulis ay may ranggong patrolman at miyembro ng Drug Enforcement Unit ng NCRPO habang ang isa pang suspek ay AWOL na at dating nakatalaga sa Caloocan.
Narekober sa mga aktibong tauhan ang kanyang service firearm at mga bala nito habang ang baril na dala ng AWOL police ay pag-aari ng isa pang aktibong miyembro ng PNP na kinukuwestiyon ni Nartatez.
Iimbestigahan at tatanungin ang nasabing iba pang aktibong pulis kung bakit hawak ng kanyang service firearms ang mga naarestong tauhan ng AWOL.
Lumalabas din sa imbestigasyon na ang aktibong suspek na pulis ay hindi bahagi ng anumang anti-drug operation. Nabigo rin siyang magpakita ng pre-operational report.
Sinabi ng NCRPO na mayroon silang sapat na ebidensya laban sa mga naarestong suspek at malapit na nilang matukoy ang pinanggagalingan ng ilegal na droga ng mga suspek.
Nasa kustodiya ng Muntinlupa City Police ang mga naarestong pulis. Kakasuhan sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Tinutugis na rin ng NCRPO ang mga kasabwat ng mga suspek, kabilang ang dalawa na nasa aktibong serbisyo pa rin. RNT