DASMARINAS, Cavite- NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang suspek na gumahasa sa magkapatid na batang babae na natagpuan duguan sa masukal na talahiban sa lungsod na ito.
Sa isinagawang hot pursuit operation ng tracker team ng Dasmariñas City Police, nadakip ang mga suspek na itinago sa alyas Caloy at Makoy sa pamamagitan ng CCTV sa lugar.
Ayon kay Plt. Col Socrates Jaca, hepe ng Dasmariñas City Police, ang isa sa mga suspek ay nahaharap sa kasong theft, acts of lasciviousness taon 2019, 2021 at 2022 habang ang isa sa suspek at dati na rin nakulong sa kasong illegal drugs at ngayon ay kapwa nahaharap sa kasong rape.
Nagpapagaling naman ang magkapatid na babae na edad 4 at 8 at isinailalim sa psychological therapy bunsod na trauma na nararanasan.
Matatandaan na noong nakalipas na buwan natagpuan ang magkapatid na sa talahiban na duguan at kapwa walang saplot pang ibaba.
Natagpuan sila ng isang Aljun Pascua, na humingi ng tulong sa barangay saka dinala sa ospital ang magkapatid na nagtamo ng mga pasa at sugatan sa kanilang katawan.
Lumabas din sa medical examination na positibong ginahasa ang magkapatid saka sila pinagsisipa,sinakal at pinagsusuntok.
Todo suporta naman ang ibinigay ng lokal na pamahalaan Dasmariñas sa mga biktima tulad ng tulong pinansyal, pagsagot sa lahat ng gastusin sa ospital at maging ang pabuya na ₱200,000.00 sa mabilis na pagkahuli sa mga suspek./Mary Anne Sapico