Home METRO 2 paslit natusta!

2 paslit natusta!

ILIGAN CITY- Patay ang dalawang bata sa dalawang oras na sunog na lumamon sa 37 bahay sa coastal village ng Bucana, Barangay Titunod sa Kolambugan, Lanao del Norte nitong nakaraang linggo.

Sumiklab ang sunog bandang alas-9:50 ng gabi, ayon kay Ernesto Valle, municipal disaster risk reduction and management officer ng Kolambugan.

Ayon kay Valle, na-trap ang dalawang bata, edad 4 at 6, habang mabilis na kumalat ang apoy. Unang iniligtas ng kanilang ina ang isang taong gulang na anak subalit nilamon na ng sunog ang kanilang bahay nang tangkain niyang bumalik, ayon kay Valle.

Nangingisda ang ama ng mga bata nang maganap ang insidente.

“When the injured mother returned and attempted to save their two children, she could no longer enter their house because of the thick smoke and raging blaze,” wika ni Valle.

Ayon sa opisyal, naabo ang 35 bahay habang napinsala naman ang dalawa.

Rumesponde ang firetrucks at firefighting teams mula sa Maigo, Bacolod, at Tubod, at mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa insidente dahil wala pang sariling firetruck ang Kolambugan matapos masira ang lumang ginagamit dito.

Natupok ang apoy pagsapit ng alas-11:50 ng gabi.

Ani Valle, pansamantalang tumutuloy ang mga biktima sa Kolambugan gymnasium at nabigyan na ng inisyal na relief assistance.

Sinabi ni Senior Fire Officer 4 Darwin Enerio ng Kolambugan station ng Bureau of Fire Protection na tinatayang aabot sa P960,000 ang pinsala mula sa insidente. RNT/SA

Previous articleHigit 400 toneladang basura nahakot sa Maynila pagkatapos ng Traslacion
Next articleP1.4M marijuana winasak sa Cordillera