Home NATIONWIDE 2 patay, 10 sugatan sa mass shooting sa Arkansas

2 patay, 10 sugatan sa mass shooting sa Arkansas

UNITED STATES – Patay ang dalawang indibidwal habang sugatan ang 10 katao sa nangyaring mass shooting sa parking lot ng isang pamilihan sa Fordyce, Arkansas nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 21.

Napatay naman ang namaril na hindi pinangalanan, matapos ang palitan ng putok sa mga pulis.

Sugatan ang isang pulis bagama’t hindi ito ikinokonsiderang ‘life-threathening.’

Hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong nangyari sa naturang shooting incident bagamat sa kumalat na video ay makikita ang gunman na walang habas na namaril gamit ang shotgun sa parking lot sa labas ng Mad Butcher grocery store.

Sa hiwalay na video ay makikita ang isang katawan na nakahandusay sa lupa.

Wala pang komento ang Arkansas State Police sa insidente. RNT/JGC