Home METRO 2 patay, 14 sugatan sa nag-dive na pickup sa kanal

2 patay, 14 sugatan sa nag-dive na pickup sa kanal

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang namatay habang 14 ang sugatan matapos mahulog ang isang pickup truck sa ginagawang canal construction project sa General Santos City.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit (TEU) General Santos, dumaan ang sasakyan sa isang diversion road sa Barangay Apopong noong Linggo ng hapon nang makatulog ang driver, dahilan para mahulog ang pickup truck sa kanal.

Pauwi na sa Tampakan, South Cotabato ang mga pasahero at driver na pawang mga kamag-anak mula sa isang birthday trip sa isang beach resort sa Glan, Sarangani nang mangyari ang aksidente.

Dalawa sa mga biktima ang namatay habang 14 naman ang isinugod sa ospital para magamot. Nakaligtas sa aksidente ang driver at isang sanggol.

Pinaalalahanan ng TEU-GenSan ang mga motorista na siguraduhing nasa maayos silang kondisyon bago magmaneho. Pinayuhan din nila ang mga driver na magpahinga muna bago sila bumiyahe para maiwasan ang aksidente. RNT

Previous articlePagsugpo sa illegal mining, logging paiigtingin ng PNP
Next article10 NPA, 3 Dawlah patay sa operasyon ng militar