Home METRO 2 patay, 2 sugatan sa road crash sa Cebu

2 patay, 2 sugatan sa road crash sa Cebu

Photo courtesy of RMN Cebu

MANILA, Philippines – Dalawa ang nasawi at dalawa iba pa ang sugatan sa aksidente sangkot ang ilang sasakyan malapit sa isang pribadong subdivision sa Barangay Guadalupe, Cebu City, nitong Martes, Enero 16.

Kinumpirma ng mga awtoridad na inararo ng van ang apat na motorsiklo at isang pedestrian sa Upper Kamanggahan, Barangay Guadalupe alas-4 ng hapon.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng delivery rider at isang babaeng pedestrian.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng van ang pababang kalsada nang mawalan umano ito ng kontrol sa preno nito. Dahil dito, inararo ng van ang ilang sasakyan bago tuluyang bumangga sa pader.

Ayon sa drayber ng van na si Felizardo Base, nagloko ang preno at manibela nito kaya hindi na niya mapahinto ang sasakyan.

Humingi naman ng tawad si Base sa pamilya ng mga biktima at sinabing hindi niya ito sinasadya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guadalupe Police Station ang drayber ng van. RNT/JGC

Previous articlePoultry imports mula California, Ohio ipinagbawal sa Pilipinas
Next articleP6.2T target sa 2025 budget – DBM chief