Home HOME BANNER STORY 2 patay, halos 1 milyong residente apektado ng shear line at LPA

2 patay, halos 1 milyong residente apektado ng shear line at LPA

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Sabado, Nobyembre 25 na dalawa katao ang nasawi, habang isa naman ang kumpirmadong nasaktan dahil sa pinagsanib na epekto ng shear line at low pressure area.

Iniulat din ng NDRRMC na apektado ang nasa 985,733 indibidwal dahil sa sama ng panahon.

Nasa kabuuang 270 tirahan ang nasira, sa 255 partially damaged at 45 totally damaged na mga tirahan.

Umabot naman sa P38,596,838 ang kabuuang pinsala sa agrikultura sa 1,571 apektadong mangingisda at magsasaka.

Umakyat na sa 101 kalsada at siyam na tulay ang hindi madaanan, siyam na bridge sections, anim na pantalan at dalawang paliparan ang nananatiling non-operational.

Samantala, umakyat na sa P62,421,399.87 ang halaga ng mga naipaabot na tulong sa mga apektado ng shear line at LPA. RNT/JGC

Previous article17 APPF countries nangako ng suporta sa UN Security Council election bid ng Pilipinas
Next articleAPPF resolution na angkop sa UNCLOS, tinanggap ng China