Home METRO 2 patay sa landslide sa Davao City

2 patay sa landslide sa Davao City

MANILA, Philippines- Patay sa landslide sa Davao City ang dalawang indibidwal, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawi sa landslide sa Purok 5, Barangay Tigato na si Ernesto Paciño, 44, na nalibing sa ilalim ng mga bato.

Gayundin, natabunan sa landslide ang pinsan ng biktimang kinilalang si Juramie dela Torre, na nakaligtas naman sa sakuna.

“Natusok siya sa upuan. Nakatayo pa siya. Pagtayo ko, tumilapon ako. Pagtilapon ko, natamaan ko ang dingding. Hindi ko na alam kasi nawalan ako ng malay pero nahulugan siya ng bubong,” wika ni dela Tore.

Samantala, patay din sa landslide ang isang 7-anyos sa Marilog District.

Sugatan ang mga magulang at kapatid ng biktima sa insidente.

Pinagbawalan ng mga awtoridad na umuwi ang mga residente sa landslide-hit areas hangga’t hindi natitiyak na ligtas nang bumalik dito.

Kasunod ang insidenteng ito ng landslide sa Monkayo na kumitil sa 10 indibidwal, at nag-iwang sugatan sa isang katao, habang nawawala ang isa pa. RNT/SA

Previous articleAmihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon
Next articleKotse pisak sa karambola ng 5 sasakyan!