Home NATIONWIDE 2 patay sa pamamaril sa bus!

2 patay sa pamamaril sa bus!

MANILA, Philippines- Binulabog ng putok ng baril nitong Miyerkules ang mga natutulog na pasahero ng isang bus na naglalakbay sa Brgy. Minuli, Carranglan, Nueva Ecija, kung saan patay ang isang lalaki at isang babae na hindi pa pinapangalanan.

Kasalukuyan namang tinutugis ang dalawang suspek na hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:50 ng hapon ay bumibiyahe ang Victory Liner Bus na may plakang CAY 3363 sa mabundok na bahagi ng Carranglan patungo sa timog na direksyon, nang tumayo ang dalawang suspek at kagyat na pinagbabaril ang mga biktima sa ulo at sa leeg saka pinatigil ang bus malapit sa ilog sa nasabing lugar.

Kasunod nito, agad na nagtungo ang bus sa Community Police Assistance Center (COMPAC) sa Brgy. Joson, Carranglan sa lalawigan at iniulat ang insidente. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen.

Kasalukuyang kumakalap ng karagdagang impormasyon ukol dito. RNT/SA

https://web.facebook.com/100001884342755/videos/1784948335274850/

Previous articleDOJ aapela sa tinapyas na confidential funds para sa 2024
Next articleTransport strike pinaghahandaan na ng LTFRB