Home METRO 2 pekeng doktor, arestado

2 pekeng doktor, arestado

451
0

NUEVA VIZCAYA- Arestado ang dalawang nagpapanggap o pekeng doctor ng mata matapos magsagawa ng medical mission para sa eye check-up ng mga estudyante sa isang paaralan sa Barangay Macate, sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Marilyn dela Torre, 43-anyos at John Santiago, 57-anyos na kapwa residente sa naturang probinsya.

Si Dela Torre ay nagsisilbing Provincial Coordinator ng Saint Gabriel Eye and Medical Clinic at umiikot sa mga barangay at paaralan para sa kanilang eye check-up mission at naniningil ng P500 sa kanilang kliyente na mayroon umanong sira sa mata habang si Santiago naman ay nagpapakilalang optometrist at kwestiyonable ang lisensya.

Sa pagtugon ng pulisya ay agad na nakatakas ang apat pang kasamahan ng dalawang suspek lulan ang van na pinagkargahan ng mga gamit para sa pagsusuri sa mata.

Nakatakdang sampahan ang dalawang nahuli ng kasong paglabas sa Republic Act 8050 o Optometry Law habang nagsasagawa ng follow up operation ang otoridad. Rey Velasco

Previous articleIQ ng mga Pinoy, ‘below average’ – ulat
Next articleP1M ‘stateside’ shabu sa chocolate, timbog sa Bulacan ops!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here