Home NATIONWIDE 2 Pinoy galing West Bank ng Israel tumawid sa Jordan

2 Pinoy galing West Bank ng Israel tumawid sa Jordan

AMMAN- Nakatawid ang dalawang Pilipino mula sa West Bank, Israeli-occupied Palestinian territory, patungo sa Jordan nitong Nobyembre 4, ilang araw kasunod ng pagdedeklara ng DFA anng g Alert Level 2 sa lugar.

Inasistihan ng Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office sa Jordan ang dalawa para makapunta sa Jordan.

Nanguna ang Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office (MWO) katuwang ang kanilang Foreign Recruitment Agency (FRA) sa Amman, sa misyon.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na inabisuhan ang mga Pilipino sa West Bank ukol sa paglikas dahil na nakaambang kaguluhan dulot ng pagpapalitan ng putok at pambobomba ng Israeli forces sa Gaza strip, isa pang Palestinian territory hawak ng Israels.

Umaabot sa 123 Pilipino ang naninirahan West Bank, 91 sa kanila ay resident Filipinos na may asawang Palestinian nationals, mga anak at mga kabataan, at siyam na madre mula sa iba’t ibang religious congregations at 23 OFWs.

Nakatanggap ang dalawang OFW ng tulong-pinansyal na tig-700USD mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration. RNT/SA

Previous articleBossing, lalayasan na ang GMA!
Next articleFry nanghihimasok sa bansa, ipinade-deport