INILIGTAS ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng illegal recruitment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang harangin ang mga ito upang magtrabaho sa Cambodia bilang crypto scam.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang dalawang pasahero ay nasabat sa NAIA 3 terminal bago pa man sila makasakay ng Cebu Pacific flight biyaheng Bangkok, Thailand.
“Were it not for the vigilance of BI officers at the airports, they would have been in Cambodia right now working for employers who might harm and maltreat them as experienced by many of their countrymen who went there before them,” ani Tansingco.
Binanggit ng BI chief na kahalintulad sila ng sinapit ng ilang Filipino na ni-rescue sa Cambodia mula sa kamay ng crypto scammers na minaltrato, sinaktan at physical at mental na inabuso habang sila ay nasa kamay ng sindikato.
“Thanks to the vigilance of our officers, we were able to save these two Filipinos from harm’s way,” ayon pa kay Tansingco.
Ayon sa travel control and enforcement unit (TCEU) ng BI, ang dalawang pasahero ay nagtangkang lumabas ng bansa na nagpanggap na turista patungong Bangkok para magbakasyon.
Naging kaduda-duda ang ipinakitang employment documents at hindi rin maipaliwanag ang kanilang travel itinerary sa Thailand na sa bandang huli ay inamin na patungo sila ng Cambodia at umano’y susunduin ng kanilang handlers sa Bangkok.
Pinangakuan umano sila ng P40,000 buwanang sweldo bilang mga “encoders” sa Cambodia. JAY Reyes