Home NATIONWIDE 2 Pinoy na naaresto sa Japan ‘di pa oras para magpiyansa – ...

2 Pinoy na naaresto sa Japan ‘di pa oras para magpiyansa –  DFA

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na hindi pa tamang panahon para magpiyansa ang dalawang anarestong Pilipino sa Japan, matapos silang madawit sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese sa Tokyo.

Sa isang panayam, inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ang mga Pinoy ay nasa pre-indictment detention pa at hindi pa nakapagsasampa ng kaso laban sa kanila.

“Sa Japan maaaring may piyansa pero titignan natin kung may indictment na. Kasi right now, ang state natin is pre-indictment detention,” paliwanag ng opisyal.

“Doon sa Hapon, wala silang kasamang abogado habang ini-interview sila ng pulis at ipinapakita ang ebidensya. Tapos basehan sa investigation, within ten days or so, gagawa na sila ng desisyon kung magsasampa ng kaso. So right now, hindi pa oras para sa piyansa,” dagdag niya.

Dinakip ang dalawang Pilipino dahil sa umanoy hindi pag-uulat sa mga awtoridad ng mga labi ng mag-asawang sina Norihiro Takahashi at Kimie, kahit na nahagip sa CCTV footage na nasa mismong lugar sila.

Pananaksak ang ikinasawi ng mag-asawa, ayon kay De Vega.

Itinanggi naman ng isa sa mga akusadong si Hazel Ann Baguisa Moral ang mga alegasyon laban sa kanya. Ayon sa DFA, mayroon nang court-appointed lawyer si Morales.

Samantala, sinabi ni De Vega na hindi pa nabibisita ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Japan ang isa pang naarestong Pinoy.

“Tignan natin kapag umabot sa trial kasi ang abandonment is only three years penalty,” pahayag ni De Vega.

“Well, tutulungan natin sila… Sana walang madiskubreng ebidensya kasi papaakyatin pa ang penalty,” patuloy niya.

Umapela rin ang DFA official sa publiko na huwag gumawa ng kwento laban sa dalawang Pinoy habang gumugulong ang imbestiagsyon. Aniya, may impormasyong kumakalat sa social media laban sa dalawa.

“Walang opisyal na pahayag ang pamahalaang Hapon na sila ay indicted o sila’y umamin. Kasi maraming nagse-speculate… na umamin na, but sabi ng ating ambassador, ang babae, alam natin, walang inaamin, at ‘yung lalaki, wala namang sinabi ang piskalya ng Hapon,” giit ni De Vega.

“Wala pang charges of murder. Let’s wait for official news,” dagdag ng opisyal. RNT/SA

Previous articleElection plans ni VP Sara di pa natatalakay kay PBBM
Next articleAlden, in-announce na ang girlet na hanap!