MANILA, Philippines – Dalawang Pilipino ang sugatan sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Turkey, base sa kumpirmasyon ng Philippine Embassy sa Ankara.
Sa kabila nito, ipinabatid ng embahada na maayos na ang kalagayan ng dalawang Pilipino.
Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Turkey at Syria noong Lunes, na ikinamatay ng mahigit 5,000 katao at ikinasugat ng libo-libong iba pa.
Ngayong Miyerkoles, nakatakdang mag-deploy ang Pilipinas sa Turkey ng humigit-kumulang 85 rescuers kasama ang mga relief goods at mga pangangailangan para sa mga survivors sa lindol.
Samantala, hindi pa matukoy ng embahada ang bilang ng mga nawawalang kaso mula sa Filipino community sa dalawang bansa. RNT