Home METRO 2 pulis patay, 3 iba pa sugatan sa bumaliktad na kotse

2 pulis patay, 3 iba pa sugatan sa bumaliktad na kotse

PAMPLONA, Cagayan – Sinalubong na ni kamatayan ang dalawang pulis habang nagpapagamot pa ang tatlong iba pang kasamahan ng mga ito sa pagbaliktad ng sinasakyang kotse sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Nagattatan, Pamplona, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina PMSgt. Bryner Bakidan at PCpl. Edrix Dumaguing, kapwa residente ng Tabuk City, Kalinga habang sugatan sina PMSgt. Marcial Padangi, Pat Jason Vilasic, at Pat June Lumingis, pawang mga residente ng Tanudan, Kalinga.

Binabaybay ng mga biktima ang pambansang lansangan nang mawalan ng kontrol sa manebela ang driver ng kotse habang nasa pakurbadang bahagi ng lansangan sa naturang lugar.

Kung saan ay ilang ulit na bumaliktad ang kotse na sanhi ng mga natamong matitinding sugat mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Nabatid na ang limang pulis ay galing sa lalawigan ng Kalinga at pabalik na sana sila sa PNP Aviation Security Group sa Laoag City, Ilocos Norte kung saan sila nakadestino.

Pinaglalamayan na ngayon ng mga pamilya’t kamag-anak ang bangkay ng dalawang nasawi sa malagim na ksidente o trahedya sa kalsada. Rey Velasco

Previous articlePaglagda sa expanded centenarians law, pinuri ni Bong Go
Next articlePagpapalaki sa pondo ng mga LGU, aprub sa Kamara