Home METRO 2 pulis tetestigo sa pagkamatay ni Jemboy

2 pulis tetestigo sa pagkamatay ni Jemboy

MANILA, Philippines- Tetestigo sa kaso ang dalawang pulis na nagsilbing team leaders sa hot pursuit operations na nagresulta sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ni dating Navotas Police chief Colonel Allan Umipig isiniwalat ng mga pulis ang tunay na bumaril kay Jemboy.

“Noong una, ayaw nilang umamin, at itong 2 witnesses na ito ay hindi ko pinalusot, dahil sila ang nagsilbing team leaders duon, imposibleng hindi nila alam kung sino ang pumuputok.” paglalahad ni Umipig.

Sinabi ng sinibak na opisyal ng kapulisan na hindi niya alam kung sino ang nagbigay ng go-signal sa operasyon na nagresulta sa pagkamatay ni Jemboy. Subalit aniya, tanggap niya ang desisyong alisin siya sa pwesto.

“Ginagalang ko po yan… dapat ganyan ang mangyari upang malaman talaga kung sino ang may pagkakamali, may pagkakasala o pagkukulang,” dagdag ni Umipig.

Inihayag ni Umipig said na napag-alaman niya na pinayagan ng kapitan ng PNP Navotas Substation 4 ang operasyon, na kasama sa 22 opisyal na tinanggal mula sa kanilang pwesto at mahaharap sa kaso dahil sa insidente.

Samantala, ipinag-utos naman ni bagong talagang Navotas Police officer-in-charge Colonel Santos Sumingwa sa Navotas Station 4 officers na sumailalim sa re-training.

Naghain na rin ng senate resolution si Senator Risa Hontiveros upang talupan ang kaso sa pagkamatay ni Jemboy.

“We welcome the move of the legislative, especially the aid of legislation. I believe in their wisdom also,” giit ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. RNT/SA

Previous articleSilencer, mga bala buking sa sinalakay na POGO
Next articleNawawalang preso naaresto sa Angono