Home METRO 2 sugatan sa sagupaan ng 2 MILF groups

2 sugatan sa sagupaan ng 2 MILF groups

MANILA, Philippines- Sugatan ang dalawang indibidwal habang ilang residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan nang magbakbakan ang dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur.

Ayon sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office, sumiklab ang barilan sa pagitan ng grupo nina Commander Panzo ng MILF 118th Base Command at Commander Tunga ng MILF 105th Base Command nong Miyerkules.

Base sa mga pulis, matagal nang may sigalot sa pagitan ng dalawang grupo.

Sinusuri rin ng mga awtoridad ang bahay na nasunog umano dahil sa insidente.

Lumikas ang ilang residente upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Pumagitna na ang Peace, Security, and Reconciliation Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao upang resolbahin ng alitan ng dalawang grupo.

Nangako naman umano ang dalawang grupo na hindi na mauulit ang insidente. RNT/SA