Home METRO 2 sundalo sugatan sa grenade attack ng Dawlah

2 sundalo sugatan sa grenade attack ng Dawlah

Maguindanao del Sur – Naglunsad ng manhunt ang mga pwersa ng militar at pulisya dito laban sa mga lalaking nakamotorsiklo na naghagis ng granada sa loob ng outpost ng Army na ikinasugat ng dalawang sundalo at isang militiaman nitong Martes ng hapon, Pebrero 20.

Sinabi ni Major Saber Balogan, civil-military operations chief ng 601st Infantry Brigade ng Army, ang pag-atake ay ginawa ng lokal na grupong Dawlah Islamiya (DI) terror group.

“Maaaring ito ay isang paghihiganti ng mga miyembro ng grupo ng DI dahil sa matagumpay na operasyon ng militar laban sa kanila sa Maguindanao del Sur,” sabi ni Balogan sa isang panayam sa radyo.

Kinilala niya ang mga biktima na sina Sgts. Jester Arsulo at Bryan Baylon, at gayundin si Datu Nor Akmad, miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), na pawang nasa ilalim ng 33rd Infantry Battalion ng Army.

Sinabi ni Balogan na ang mga biktima ay nasa loob ng CAFGU patrol base sa nayon ng Timbangan nang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang naghampas ng hand grenade patungo sa tabing daan at mabilis na tumakbo palayo.

Ginagamot ngayon ang mga sugatang infantrymen sa Army hospital sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Santi Celario

Previous articleP398-M puslit na yosi nasabat sa Tawi-Tawi
Next articleDivorce bill sa Kamara mayroon nang 70 lagda