Home METRO 2 sunog sumiklab sa Maynila

2 sunog sumiklab sa Maynila

MANILA, Philippines- Dalawang sunog ang sumiklab sa magkahiwalay na residential area sa Maynila nitong Linggo ng umaga.

Unang iniulat ang sunog sa Elias St., Sta. Cruz, Maynila dakong alas-8:45 ng umaga kung saan umabot ito sa ikalawang alarma.

Ilang pamilya rin ang nawalan ng tahanan at walang halos gamit na naisalba.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa isang tindahan na agad kumalat sa katabing bahay na puro gawa sa light materials.

Naapula ang sunog pasado alas-10 ng umaga.

Samantala, hindi na naitaas ang alarma ang sunog sa Chesa St, kanto ng Laurel St., Tondo na nagsimula ng alas-10:58 ng umaga dahil agad din itong naapula.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa dalawang magkahiwalay na sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden