Home METRO 2 suspek arestado sa nasabat na Narra

2 suspek arestado sa nasabat na Narra

ARITAO, Nueva Vizcaya – Naharang sa inilatag na checkpoint ang dalawang katao dahil sa illegal na pagbiyahe ng mga pinutol na kahoy ng Narra sa Brgy Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina Randy Bandao, 34 anyos, may asawa at residente ng Purok 3, Calaocan, Quezon, Nueva Vizcaya at Kenny Mark Magmoyao, 27 anyos, helper at residente ng Libertad, Dilag, Tabuk City, Kalinga.

Nahuli ng pinagsamang pwersa ng Aritao Police Station, DENR at Nueva Vizcaya Highway Patrol Team ang mga suspek sakay ng Black Nissan NV350 na may plakang NIG 8969 na nakarehistro sa nagngangalang “Virgilio” ng Tabuk City.

Ang sasakyan ay naglalaman ng labing siyam (19) na piraso ng pinutol na kahoy kung saan bigo ang mga suspek na magpakita ng anumang dokumento na magpapatunay ng legalidad ng kanilang mga ibibiyaheng kahoy.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines na kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya. Rey Velasco

Previous articleUPCAT 2025 itinakda sa August 10 ‘gang 11
Next articleMagna Carta of Seafarers binubusisi pa ni PBBM bago pirmahan