Home METRO 2 suspek sa pananambang sa doktora sumuko; mga suspek nasa edad 16-18...

2 suspek sa pananambang sa doktora sumuko; mga suspek nasa edad 16-18 lang

MAGUINDANAO DEL SUR – Malapit nang maresolba ang insidente ng pananambang na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng isang 28-anyos na doktora sa lugar na ito.

Sa kabila ng magandang balitang pagsuko ng dalawa sa tatlong suspek ay nakabibigla naman matapos na mapag-alamang nasa edad 17 at 18 lang ang dalawang sumukong suspek.

“We are happy to report, also, two suspects surrendered in line with the shooting of [Dr. Sharmaine Barroquillo],” sabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa press conference kasunod ng command conference sa Camp Crame nitong Huwebes, na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), edad 17 at 18 ang mga suspek na sumuko, habang pinaghahanap pa ang isa pang suspek na 16-anyos.

Matatandaan na nitong Pebrero 3 nang pagbabarilin ang biktima habang sakay ng kotse sa national highway sa bahagi ng Barangay Digal sa bayan ng Buluan.

Nagawa namang paandarin pa ni Barroquillo ang kanyang sasakyan patungong ospital kahit na sugatan pero habang nasa daan ay nakabangga ito ng tricycle at mga angkas nito.

Kahit sugatan, naitakbo pa rin ni ang sasakyan papunta sana sa ospital pero nakabangga siya ng tricycle na mayroong mga sakay.

Kapwa naman nadala ang mga biktima sa ospital. RNT

Previous articleX account nabawi na ng PCG
Next articlePanukalang dagdag na P100 minimum wage sinusuri ng ng Kamara