Home NATIONWIDE 2 teroristang Indiano pinatapon ng Immigration

2 teroristang Indiano pinatapon ng Immigration

270
0

2 PUGANTENG INDIAN NAT’L, NAIDEPORT NA NG BI

Pinatapo na ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang dalawang puganteng Indian national na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kriminal nilang gawain kabilang na ang pagkakasangkot sa mga aktibidad ng terorista.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dalawang pugante na sina Amrik Singh, 34, at Hayer Amritpal Singh, 24, na kapwa ipinatapon sa pamamagitan ng Thai Airways flight papuntang Delhi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ang dalawa ay isinailalim sa summary deportation order na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Marso ngayong taon matapos ituring bilang undesirable alien.

Nabatid sa BI na ipinatapon si Amrik matapos matuklasan na ilegal na pumasok sa bansa at nagsama pa ng isa pang pugante na Indian na pinaghahanap sa India dahil sa pagkakasangkot sa mga aktibidad ng terorista.

“Hayer, on the other hand, is wanted in India for several charges including violation of their unlawful activities prevention act. He is also the subject of an investigation for murder, and has a warrant of arrest issued against him for violation of his country’s arms act,” saad ng BI.

Ibinahagi naman ni BI Warden Facility Chief Leander Catalo na tinangka pa ni Hayer na tumakas sa departure area habang isinasagawa ang deportasyon sa mga ito ngunit mabilis itong nahuli ng mga operatiba ng BI.

“The deportation of these criminals is a significant step for the bureau in ridding our country of foreigners who abuse our hospitality,” ani Tansingco. “Fugitives hiding in the country will be arrested, deported, and blacklisted,” babala pa ng BI Chief. JAY Reyes

Previous articleKen, nagpabida, sinisisi sa naudlot na serye!
Next article9 bumbero sugatan sa responde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here