Home METRO 2 tiklo sa higit P2M shabu sa Maynila

2 tiklo sa higit P2M shabu sa Maynila

314
0

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa mahigit P2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District -PS 9 sa Malate, Maynila Miyerkules ng gabi, Mayo 24.

Arestado ang mga suspek na sina Caironisah Esmail, alyas Mich, 42 at Abul Panandigan, 32, na pawang mga residente ng Barangay 648, San Miguel, Quiapo, Maynila.

Ikinasa ang buy bust operation ng MPD-Station 9 laban sa mga suspek sa kahabaan ng Mother lgnacia Street malapit sa kanto ng Quirino Avenue, Malate, Maynila pasado alas-11 ng gabi.

Ang operasyon ng pulisya ay bahagi ng tuloy-tuloy na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) laban sa illegal na droga sa lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na bulto at maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na aabot 400 gramo na may kabuuang halaga na P2,720,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKultura, kasaysayan tampok sa bagong PH tourism slogan
Next articleAnak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here