Home METRO 2 tiklo sa P.2M shabu

2 tiklo sa P.2M shabu

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga parak ang dalawang tulak nang makumpiskahan ng halos P.2M shabu sa buy-bust operation.

Kalaboso sina “JAYZ,” ng Barangay 18, Caloocan at “BUKOL,” 42, ng Barangay 12 Caloocan.

Natimbog ang dalawa 11:30 pm ng Enero 13 sa Dr. Lazcano Street, Brgy. Tugatog, Malabon.
.
Abot sa 22.26 gramo ng shabu na may presyong P153,680 at isang pink na coin purse ang sinamsam sa mga dinakip.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Iral

Previous articleSarah, inasar si Anabelle!
Next articleBagong kasunduan magpapalakas sa military ties ng PH, Canada – Teodoro