2 tiklo sa P1.6M shabu, armas

2 tiklo sa P1.6M shabu, armas

July 1, 2020 @ 10:27 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila – Kalaboso ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng higit P1.6-M halaga ng shabu, mga bareil at bala sa buy-bust operation sa Valenzuela City kagabi, June 30.

Ibinalibag sa Valenzuela City Police Station Custodial Facility sina Glenn Perciana, alyas Bukol, 39, istambay ng Unit 14 Money Trans Comp., Candido St., Mapulang Lupa, Valenzuel City at Joebert Basito, 41, istambay ng Brgy. BF Homes, Sucat, Parañaque City.

Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa bahay ni Perciana alas-9:30 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 240 gramo ng na nagkakahalagang P1,632,000, M16 assault rifle, shotgun at bala ng nasabing mga armas.

Bukod dito, nakuha rin sa mga suspek ang boodle money na ginamit sa operasyon, isang pouch, dalawang mobile phone at isang timbangan.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang ikakaso sa mga dinakip. Merly Iral

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...