MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang dalawang drug suspects at nasamsam ang halos P3 milyong halaga ng shabu kasunod ng buy-bust operation sa Taguig City, ayon sa Southern Police District nitong Biyernes.
Dinakip sina Empoy Cayagcag, 54; at Mecky Untua, 42 sa isang mosque compound sa Barangay New Lower Bicutan na nakuhanan ng 427.92 gramo ng shabu.
Dinala na sina Cayagcag at Untua sa SPD Forensic Unit para sa comprehensive laboratory and drug test examination. RNT/SA