Home METRO 2 tiklo sa P6.8M shabu sa QC

2 tiklo sa P6.8M shabu sa QC

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Don Alejandro Roces Ave. sa Quezon City nitong gabi ng Martes, Marso 13.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nakuha sa mga suspek ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Halos dalawang buwan umanong minanmanan ang magpinsang lalaki na edad 30 at 31 na itinuturing na high-value individuals at supplier ng malalaking drug dealers.

“Mayroon siyang kakilala na nagbebenta ng illegal drugs particularly shabu. Ang market na nasabi niya, kung saan sila nagbebenta is dito sa NCR, north and southern part. Tumatawid din ito sa mga region natin, katabing region which is Region IV-A and Region 3,” pahayag ni PDEA agent Grace Cruz, team leader ng PDEA RO-NCR RSET1, sa panayam ng ABSCBN News.

Ang mga suspek ay taga-Mindanao, bagamat inaalam pa ng PDEA kung saan eksaktong nakatira ang mga ito.

Kinukumpirma pa ng PDEA ang impormasyon na isa sa mga suspek ay municipal councilor sa Mindanao.

“According sa info na na-receive natin, elected official ito. But again, subject for verification nasa municipal level siya,” dagdag ni Cruz.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleBohol LGU walang natanggap na DENR closure order vs Chocolate Hills resort
Next articlePro-gambling online content isinusulong na ipagbawal