Home METRO 2 timbog sa drogang pinagmukhang regalo

2 timbog sa drogang pinagmukhang regalo

MANILA, Philippines – Pihadong aabutin na ng Bagong Taon sa selda ang dalawang indibidwal na nasakote ng Malabon Police nitong Pasko matapos makuhanan ng P200,000 halaga ng drogang ibinalot at kunwari’y regalo.

Isang bloke ng marijuana at ilang sachet ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na sinadyang itago ang pangalan.

Bukod sa balot pangregalo, inilagay pa sa paper bag ng mga inaresto ang marijuana upang lalong maitago ngunit nabuking pa rin.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng mga dinakip. Merly Iral

Previous articleLotto Draw Result as of | December 24, 2023
Next articleNetizens, kinontra ang pagiging ‘mabait’ ni Alden!