Home METRO 2 tirador ng cellphone, nadakma ng mga parak

2 tirador ng cellphone, nadakma ng mga parak

205
0

Bulacan – Arestado ang dalawang lalaki na umano’y nagtangkang magnakaw ng cellphone sa pagresponde ng pulisya sa bayan ng Guiguinto at Bocaue.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang mga suspek na sina Mark Mendoza at Reynaldo Alvaro.

Sa report, ang dalawang suspek ay naaresto ng Guiguinto at Bocaue police nitong Hulyo 13, taong kasalukuyan.

Sinasabing si Mark na lulan ng motorsiklo na nanghablot ng cellphone ng hindi pinangalanang biktima ay nasukol at tuluyang naaresto ng mga pulis sa Bypass Road, Brgy. Tiaong, Guiguinto.

Samantalang si Reynaldo na nagtangka subalit hindi nagtagumpay sa pagkuha ng cellphone sa bahay ng isa pang biktimang hindi rin pinangalanan ay nadampot naman ng awtoridad sa Brgy. BiƱang, Bocaue.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa himpilang humuli sa kanila. Dick Mirasol III

Previous article2 patay 1 sugatan sa salpukan ng bus at SUV
Next articleRetiradong parak utas sa tandem

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here