2 toneladang iligal na gamot, karne na nakumpiska, inabo ng Customs

2 toneladang iligal na gamot, karne na nakumpiska, inabo ng Customs

May 22, 2020 @ 8:00 PM 6 days ago

  • 1
  •  
  •  
    1
    Share
Share

Manila, Philippines – Winasak ng Bureau of Immigration NAIA ang dalawang toneladang mga iligal na gamot at ilang meat products na kanilang nakumpiska sa Trece Martires, Cavite ngayong araw.

Kabilang sa mga kontrabando na sinunog ay ang mga hindi rehistradong gamot na tinatayang nasa mahigit 350 kilo na kinumpiska makaraang mabigo na makakuha ng kinakailangang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaya’t itinuturing itong hindi ligtas na makonsumo ng publiko.

Ang ginawang pagsira sa mga nakumpiskang gamot ay bahagi ng inisyatibo ng BoC hinggil sa ginagawa nilang pagbibigay proteksyon sa border ng bansa upang maprotektahan ang publiko laban sa hindi ligtas na mga gamot.

Bukod sa mga iligal na gamot ay sinira din ng BoC ang mga kinumpiskang expired na pagkain gayundin ang ilang produktong karne na walang health clearance.

Sinunog ang mga nasabing kontrabando gamit ang Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. na matatagpuan sa Trece Martires City.

“The thermal decomposer will ensure the safety and no single waste item will find its way to the market.” saad sa pahayag ng BoC.

Nakipag-ugnayan ang BoC sa isinagawang pagsunog sa mga nasabing kontrabando sa pamunuan ng FDA, Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Commission on Audit (CoA).

Ang ginawang hakbang ng BoC ay bunsod sa kautusan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na patuloy nilang poprotektahan ang bansa laban sa pagpasok ng mga iligal na produkto at pag-import na hindi sumusunod sa mga regulasyon ng Customs.

Tiniyak naman ng BoC sa publiko na magpapatuloy silang magbibigay ng serbisyo sa gobyerno 24/7 upang maprotektahan ang hangganan ng bansa. Jay Reyes

Share

Leave a Reply

Loading...