Home METRO 2 traffic enforcer sugatan nang makaladkad ng traffic violator

2 traffic enforcer sugatan nang makaladkad ng traffic violator

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos tangkaing pigilan ang isang motorista na kanilang sinita sa Natividad Street, corner San Marcelino, Ermita, Manila.

Sa imbestigasyon, pumasok sa “one way” ang motorista na si Angelo Cruz, 20, residente ng Sampaloc, Maynila kaya pinigil ito ng mga enforcer na sina Leo Mabunga y Masterlero at Jennifer Tolentino na kapwa sugatan.

Ayon kay P/Cpl. Elizardo D. Reputas Jr. ng Manila Police District-Police Station 5, nangyari ang insidente hapon nitong Lunes.

Matapos nilang mahuli at tangkaing agawin ang handle ng motorsiklo ay muling sinubukang patakbuhin ng suspek ang sasakyan na nagresulta sa pagkaladkad sa dalawang enforcer ngunit pagdating sa kanto ng kalsada ay bumaba ang suspek at tumakbo kung saan siya nahuli at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nang mapigilan at muling sumakay sa motorsiklo para paandarin, dito na bahagyang nakaladkad ang mga enforcer.

Sa pulisya, nadiskubre na walang drivers license ang rider at hindi rin rehistrado ang kanyang motorsiklo ilang taon na ang nakalilipas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article3 menor de edad huli sa pot session
Next articleCha-cha na walang Senate approval, balewala – solon