Home METRO 2 Tsino, negosyanteng bebot at kasabwat, timbog sa carnapping

2 Tsino, negosyanteng bebot at kasabwat, timbog sa carnapping

MANILA, Philippines – Dalawang Chinese national kabilang ang isang babaeng negosyante at kasabwat na Pinoy ang dinakip ng mga tauhan ng Paranaque City police makaraang masangkot ang mga ito sa kasong carnapping nitong Nobyembre 12.

Kinilala ni Paranaque City police officer-in-charge P/Col. Reycon Garduque ang nga inarestong suspects sa mga alyas lamang na “Krizzia,” 27, businesswoman; “Leavida,” 28; “Xing,” 32, businessman; at isang nagngangalang “Huang,” 39.

Base sa isinumiteng report ni Garduque sa Southern Police District (SPD), naganap ang pag-aresto sa mga suspects dakong alas 11:40 Linggo ng gabi sa Casiana Residences, Barangay Tambo, Parañaque City.

Nakasaad sa report na namataan ng officer-in-charge (OIC) ng nabanggit na condominium ang isang kulay itim na BMW X-3 na lulan ang mga suspects na naiulat na di-umano’y na-carnap nitong nakaraang Nobyembre 2.

Agad na pinigil ng condo OIC ang nabanggit na sasakyan na makaalis sa lugar at humingi ito ng responde sa mga pulis na nagresulta ng pagkakadakip ng mga suspects.

They were brought to the police custodial facility for detention.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o ang “New Anti-Carnapping Law” ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Paranaque City police. (James I. Catapusan)

Previous articleMayorya ng Pinoy aprub sa pagpapalakas ng renewable energy sources
Next articlePaglaya ni de Lima ikinatuwa ng foreign envoys