2 tulak, 4 parokyano, timbog sa buy-bust ops sa Caloocan

2 tulak, 4 parokyano, timbog sa buy-bust ops sa Caloocan

May 16, 2020 @ 3:57 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Caloocan City – Arestado ang anim na drug personalities, kabilang ang dalawang sinasabing “tulak” na kabilang police drug watch list sa isinagawang buy-bust operation.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Rolando Ylagan ang mga naarestong suspek na si Ronaldo Modesto, 51; Pablo Panim 43; Lolita Panim, 50, pawang ng Sawata St Brgy. 35; Willy Daquis, 51; Sammy De Guzman, 49; at Arvin Aliby, 28, pawang ng Tambakan St, Brgy. Maypajo.

Dakong alas-2 ng hapon nang ikasa ng pinagsamang operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), Drug Special Operation Unit (DSOU) at District Mobile Force Battalion (DMFB) ang buy-busy operation sa Sawata St. kasunod ng isang linggong surveillance operation.

Ayon kay DDEU chief P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. kaagad inaresto ang mga suspek matapos bentahan ng shabu ni Modesto at Daquis, na kapwa nasa drug watchlist ang isang police-poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money habang naaktuhan namang sumisinghot ng shabu ang kanilang apat na kasama sa loob ng bahay.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang ilang plastic sachets na naglalaman ng nasa 12 gramo ng shabu na may corresponding standard drug price na nasa P81,600.00, iba’t-ibang drug paraphernalia at buy-bust money.

I-prinisinta ang mga suspek sa inquest proceedings sa kasong selling, possession, conspiracy at pot session sa ilalim ng Article II of R.A. 9165 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Rene Manahan

Share

Leave a Reply

Loading...