Home METRO 2 tulak nalambat sa P621K shabu

2 tulak nalambat sa P621K shabu

MANILA, Philippines- Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot na kilala sa tawag na shabu ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na elemento ng pulisya matapos na makuhanan ng halagang P621,000 sa Barangay San Joaquin sa lungsod ng San Pablo, Laguna.

Kinilala ang dalawang suspek na kapwa nakakulong sa San Pablo City Police Station at nahaharap sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) na sina alyas Jerico at Ronald, pawang nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinumiteng report ni PMaj. Robin L. Martin, hepe ng Laguna Provincial Special Operations Unit kay PCol Gauvin Mel Y. Unos, Provincial Director ng Laguna, dakong alas-2:45 ng hapon nang magsagawa ng buy-operation ang pinagsanib na pwersa ng PSOU Laguna PPO at San Pablo City Police Station sa pamamagitan ng nagpanggap na poseur buyer na pulis.

Narekober sa mga suspek ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet at dalawang pirasong knot tied plastic bag na pawang naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nasa 90 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P621,000 isang cellphone, pencil case, gayundin ang ginamit na saSakyan ng mga suspek na Honda
Civic model 1999 na kulay green, bukod dito nakuha din sa mga suspek ang ginamit sa buy-bust operation na marked money .

“Binabati ko ang Laguna PSOU at San Pablo CCPS sa kanilang accomplishment na ito. Ang pagkakadakip sa mga suspek na ito at pagkaka-kumpiska ng ganito karaming iligal na droga ay bunga din ng matibay na samahan ng kapulisan at komunidad,” ani PCol Unos. Ellen Apostol