Home METRO 2 tulak ng iligal na droga tiklo sa Maynila

2 tulak ng iligal na droga tiklo sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ng operatiba ng Manila Police PS 5 sa buy-bust operation ang dalawang lalaki na nagbebenta ng illegal na droga sa Intramuros, Maynila, madaling araw ng Miyerkules, Disyembre 27.

Kinilala ang mga suspek na sina Victor Vale cia, 48 at binatang si “Stephen”, pawang mga miyembro ng Bahala Na Gang.

Naaresto ang dalawa sa ikinasang buy bust operation matapos makipagtransaksyon sa kanila ang isang pulis na poseur buyer sa may kanto ng A. Soriano St. sakop ng Brgy. 655 sa nasabing lugar.

Kakasuhan ng paglabag sa Section 5 (Selling, Distribution and Transportation Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘Boga’ top 1 sa pinakamaraming sanhi ng firework-related injuries sa Central Luzon
Next articleLotto Draw Result as of | December 27, 2023