Home METRO 2 tulak tiklo sa P170K shabu sa Caloocan

2 tulak tiklo sa P170K shabu sa Caloocan

MANILA, Philippines – SELDA ang bagsak ng dalawang sangkot sa iligal na droga habang umabot sa P170,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis matapos madakip ang mga ito sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

Ayon sa ulat ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Emmanuel Aldana ng drug buy bust operation sa 3rd Avenue, BMBA Compound, Brgy. 120.

Agad na inaresto ng mga operatiba ang suspek na kinilalang si Brenda Blanco y Omboy alyas “Brenda”, 49, residente ng 3rd Avenue, Barrio Maligaya Bagong Anyo (BMBA) Compound matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,000 at buy bust money na isang genuine P500 pesos na may kasamang pitong pirasong P1,000 boodle money.

Nauna rito, nadakip ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa 1st Avenue BMBA Compound, Brgy. 120, bandang alas-8:55 ng gabi ang isa pang tulak na si Benjie Gardoce y Revera alyas “Bebe”, 25, residente ng 3rd Ave ng nasabing lungsod matapos bentahan ng shabu ang isang undercover na pulis.

Narekober sa suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at buy bust money na isang tunay na P500 peso bill kasama ang pitong pirasong P1,000 pesos boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 of Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutors Office. R.A Marquez

Previous articlePBBM sa PSG: Bagong liderato, suportahan
Next article2 Chinese national na dinukot, nasagip sa Cavite!