MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang bagong identified drug personalities matapos makuhanan ng nasa P44,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Mayo 18.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Juver Rivera, 47, construction worker at Jellan Nuñez, 21, kapwa ng Celia II Brgy. Bayan-Bayanan.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt Alexander Dela Cruz ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa mga ito sa Cella II, Brgy. Bayan-Bayanan dakong ala-1:30 ng madaling araw.
Advertisement