Home METRO 2 tulak timbog sa drug ops sa Navotas

2 tulak timbog sa drug ops sa Navotas

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga makaraan na madakip ng mga pulis matapos ang isinagawang buy-bust operation laban sa suspek sa Navotas City.

Base sa natanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagkasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra laban kay alyas “Jembong” at alyas “Baet” makaraang makatanggap nang impormasyon hinggil sa iligal na aktibedades sa iligal na droga.

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-11:28 ng gabi sa Davila St., Barangay Navotas West.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 6.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P44,200 at isang P500 peso bill na ginamit bilang buy bust money.

Ayon kay P/Capt. Genere Sanchez, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

Previous articleSariling ama, binaril ng dalagita sa pang-aabuso
Next articleSecession may ‘di magandang epekto sa mga taga-Mindanao – NEDA official