Home METRO 2 tulak timbog sa P963K ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

2 tulak timbog sa P963K ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang dalawang tulak matapos mahulihan ng P963,000.00 iligal ns droga sa magkahiwalay ng buy-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police  director PCOL. Rely Arnedo, ikinasa ang unang operasyon ng Malolos police laban sa suspek na si alyas Glenn sa ganap na 12:25 ng madaling araw nitong Nobyembre 24 sa Brgy. Pinagbakahan.

 

Huli sa operasyon ang 6 kilograms na pinaghihinalaang marijuana, may Standard Drug Price (SDP) P720,000.00, white Honda ADV motorcycle at marked money.

Samantala, bandang 1:45 ng madaling araw sa kaparehong petsa at operasyon, nahuli ng Balagtas police ang alyas Reyvin, 25 sa Brgy. Santol, Balagtas.

Nasamsam ang kabuuang 2.03 kilograms na pinaghihinalaang marijuana, may SDP P243,600.00 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanila.(Dick Mirasol III)

Previous articleEx-PCGG Chair diniskwalipikang humawak ng posisyon sa gobyerno
Next article3 Tsino, 25 katao arestado sa P21.8-M ismagel na sigarilyo