MANILA, Philippines- Na-deport na ng Philippine government nitong Martes ng umaga ang mga puganteng Japanese na sina Toshiya Fujita at Kiyoto Imamura sa Japan.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes na ang kanilang flight ay bandang alas-9 ng umaga, Martes, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng Japan Airlines.
Kabilang ang dalawa sa apat na Japanese nationals na hiniling ng Japanese government sa Pilipinas na i-deport. Hinihinalang sangkot sila sa pag-uutos ng serye ng pagnanakaw habang nakakulong sa Pilipinas.
Ang mga itinuturong masterminds, na kinilala ng Japanese media na sina Kiyoto Imamura at Yuki Watanabe, ay naaresto noong 2019 at 2021. Sinabi ng Japanese police na posibleng ginagamit nila ang alyas “Luffy,” alinsunod sa karakter sa Japanese manga na “One Piece.” Ang dalawa pa ay sina Toshiya Fujita at Tomonobu Kojima. RNT/SA