Home METRO 2 wanted na bebot tiklo paglapag ng airport

2 wanted na bebot tiklo paglapag ng airport

PASAY – Dalawang kababaihan, kabilang ang isang senior citizen, na nahaharap sa apat na kaso ng bouncing checks at siyam na kaso ng estafa at illegal recruitment ang nadakip matapos dumating sa bansa ang mga sinakyang eroplano mula sa iba’t-ibang bansa na kanilang pinangalingan nitong Pebrero 20 at 21 sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. ang mga inarestong suspect na sina alyas “Leonisa”, 74, ng San Antonio, Pasig City at alyas “Nenita”, 59, residente ng Barangay Dupax, Malolos City.

Sinabi ni Mayames na unang naaresto si alyas Nenita dakong ala 1:00 ng madaling araw ng Martes (Pebrero 20) sa Immigration Office ng International Arrival Area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Galing ng Singapore si alyas Nenita nang isya ay arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section at Investigation Section ng Barbosa police station-14 ng Manila Police District (MPD) sa pakikipag-ugnayan sa Pasay police Villamor Sub-station.

Naganap ang pag-aresto kay alyas Nenita sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kanyang kinahaharap na siyam na kaso ng estafa at illegal recruitment na inisyu noong Disyembre 28, 2015 ni Judge Luisito G. Cortez ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84 na walang rekomendsyon na piyansa.

Matapos ang pag-aresto kay alyas Nenita ay agad itong dinala sa Barbosa police station-14 MPD para sa dukumentasyon at sa kanyang pansamantalang lugar na pagkukulungan.

Kinabukasan (Pebrero 21) ay sumunod namang nadakip si alyas Leonisa dakong ala 1:40 ng madaling araw kung saan din inaresto si alyas Nenita sa loob ng Immigration Office sa International Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ni Mayames na galing naman ng Hongkong si alyas Leonisa nang dakpin ng mga tauhan ng Pasay police Villamor Sub-station na armado ng warrant of arrest na inisyu naman ni Manila Metropolitan Trial Court (METC) Judge Anne Perpetual S. Rivera ng Branch 12 na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang P2,000. (James I. Catapusan)

Previous articleMister utas sa selos
Next articleTsinong may kasong kidnapping hinarang paalis ng Pinas