Home METRO 2 wanted nalambat sa Pasay at Parañaque

2 wanted nalambat sa Pasay at Parañaque

MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod nitong Biyernes, Pebrero 23.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Mark Pespes ang mga inarestong suspects na sina Raymond Vengo, 49, na napasama sa listahan ng bilang Top 9 most wanted person ng Paranaque police; at si alyas Agapito, 54, na residente naman ng Conchita St., Barangay 127, Pasay City.

Sinabi ni Pespes na inaresto si Vengo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni noong Disyembre 11, 2023 ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Luwalhati Carandang Cruz ng Branch 259.

Ayon naman kay Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr., si alyas Agapito ay nadakip dakong alas 9:40 ng umaga sa Conchita St., Barangay 127, Pasay City.

Sinabi ni Mayames na ang pag-aresot kay alyas Agapito ay naganap sa bisa rin ng arrest warrant na inisyu ni Pasay RTC Presiding Judge Emelita C. Dimaguila ng Branch 298 noong Pebrero 14, 2024 na walang kaakibat na rekomendasyon ng piyansa.

Matapos ang pagdakip sa mga suspects ay agad na ikinulong ang mga ito sa custodial facilities ng dalawang lokal na kapulisan habang naghihintay ng commitment order na manggagaling sa korte para sa kanilang paglipatan ng piitan. James I. Catapusan

Previous articlePH nasa ‘gray list’ pa rin ng FATF sa money laundering
Next article3 sugarol ng tong-its, tiklo