Home METRO 2 wanted persons nalambat sa magkahiwalay na operasyon

2 wanted persons nalambat sa magkahiwalay na operasyon

275
0

MANILA, Philippines- Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque at Pasay City police ang dalawang wanted na indibidwal na parehong nahaharap sa kasong frustrated murder.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga arestadong suspects na sina Abner Agustin, 41, helper, residente ng Parañaque City; at Richard Runez, tubong Pasay City.

Sa report na isinumite ni Parañaque City police chief P/Col. Renato Ocampo, si Agustin na tinaguriang fifth most wanted person ay nadakip alas-10 ng umaga nitong Mayo 15 sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Ang pagkakaaresto kay Agustin ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Judge Leilani Marie N. Dacanay-Grimares ng Branch 296 na may kaukulang piyansa na P380,000.

Nahaharap sa mga kasong frustrated murder at robbery si Agustin.

Advertisement

Sinabi naman ni Pasay City police chief P/Col. Froilan Uy na si Runez ay inaresto dakong alas-4 ng hapon sa Apelo Cruz, Malibay, Pasay City nitong nakaraang Martes, Mayo 16.

Ayon kay Uy, si Runez ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Pasay police WSS at ng National Capital Region Maritime Police Office-Station Maritime Law Enforcement Unit (NCRPO-SMLEU).

Si Runez na tinaguriang 10th most wanted person dahil sa kasong frustrated murder ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay RTC Judge Elenita Carlos Dimaguila ng Branch 298 na mayroong rekomendsyong piyansa sa halagang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sina Agustin at Runez ay kasalukuyang nakapiit sa police custodial facility ng dalawang nabanggit na lungsod. James I. Catapusan

Previous articleAllowance, benefits hike bill sa DFA, isinusulong sa Senado
Next article2 tax amnesty extension bills, ikinasa sa Senado matapos aprubahan sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here