Home METRO 2 wanted tiklo sa manhunt ops sa Valenzuela

2 wanted tiklo sa manhunt ops sa Valenzuela

KAPUWA himas-rehas ang dalawang katao na nakatala bilang most wanted persons matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ng intensified manhunt operation and operational research na nagresulta sa isang MWP dakong alas-4:10 ng hapon ng September 19, 2023, sa Bacani Street, Corner T. Conception Street, Barangay Marulas.

Ang dinakip na akusado ay may warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court (RTC), Branch 172, noong September 18, 2023, para sa apat na bilang ng kasong paglabag sa Sec. 10 (A) of R.A 7610- Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nauna rito, bandang alas-2:50 naman ng hapon ng September 18, nang madakip din ng mga operatiba ng WSS sa manhunt operation ang isa pang MWP sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way, Barangay Malanday.

Ani Lt. Bautista, pinosasan nila ang akusado sa bisa warrant of arrest na inisyu pa rin ni Valenzuela City Presiding Judge Mateo B Altarejos ng RTC, Branch 172, noon mismong September 18, 2023, para sa palabag sa Sec. 5(B) of RA 7610 as amended by R.A 11648- The Anti-Rape Law of 1997.

Pansamantalang nakapiit ngayon sa Custodial Facilty Unit ng Valenzuela CPS ang mga akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. Rene Manahan

Previous articleKatutubo isama sa bigayan ng food stamp program ng DSWD
Next articlePia, humingi na ng tawad kay Ricky!